Kerwin Espinosa nakatakdang ilipat sa NBI

MANILA, Philippines (Eagle News) — Anumang araw ngayong linggo ay nakatakda na ang  paglipat ni Kerwin Espinosa mula Kampo Crame patungong NBI sa Maynila.

Ayon kay Attorney John Ungab, wala nang balakid sa paglipat ni Kerwin makaraang makapasok ito sa provisional coverage ng Witness Protection Program ng Department of Justice.

Gayunman tumanggi ang abogado na tukuyin ang eksaktong araw na paglipat sa kanyang kliyente ngayong linggo dahil na rin sa usaping pangseguridad.

Inihayag pa ni Ungab, isa lang aniya ang makapagbabago sa schedule ng paglipat ni Kerwin at ito ay kung muli siyang ipatatawag sa senado para sa anumang pagdinig.

https://youtu.be/_k-7NT1AAys