Karagdagang P2P buses, ilulunsad

MANILA, Philippines (Eagle News) — Maglulunsad ng karagdagang premium Point-to-Point o P2P buses service routes ang Department of Transportation (DOTR) na kumokonekta sa Bacoor, Imus, Dasmariñas at Noveleta patungo ng Makati City.

Ayon sa DOTR, target nila ito sa second quarter ng taon.

Ang pagkakaloob ng P2P bus services ay isa sa mga solusyon ng ahensya para maibsan ang trapiko at mabigyan ng ligtas at komportableng transport system ang mga pasahero.

Ang nasabing P2P bus services ay ang mga bus na diretso lang ang biyahe mula sa terminal hanggang sa target na drop-off points.

https://youtu.be/dMgx1nz2H4E