Kapulisan ng Palayan City at Laur, Nueva Ecija pinangunahan ang “Fun Run for a Cause”

NUEVA ECIJA (Eagle News) – Isinagawa noong Sabado ng madaling araw, October 22 ng Nueva Ecija University of Science and Technology, Fort Magsaysay Campus ang Fun Run for a Cause sa Barangay Militar, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Angelita N. Masa, Campus Director.

Ang nalikom na salapi sa ginawang fund raising activity ay gagamitin para sa mga proyekto ng nasabing paaralan.

Kabilang sa mga lumahok ay ang mga pulis na mula pa sa:

  • Laur PS Personnel sa pangunguna ni PSI Rolando C. Rigat
  • Palayan City PS sa pangunguna nila PO2 Marvin V. Reyes, PO1 Bernardo L. Hermono at SPO4 Ferdinand S. Vijandre.

Eman Celestino – EBC Correspondent, Palayan City, Nueva Ecija

2eac5d87-8f17-4e04-9789-5264aade5af7 43beaf54-ebf0-4d91-b109-1d44a67d5216 50f00a12-e198-454f-940b-dce9be308cc1 340dacde-c72c-47e9-b13c-fe9bce6a0cc7 e48715b6-6b72-4661-8936-562a13e9ff9b