Kapitan ng barangay, patay sa pamamaril sa Iligan

ILIGAN City (Eagle News) – Patay ang isang kapitan ng barangay matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang mga salarin kahapon sa Iligan City.

Kinilala ang biktima na si Saray Brgy. Captain Robert “Dodong” Fuentes.

Ayon sa mga awtoridad, pinagbabaril si Fuentes ng mga suspek sa harapan ng isang hardware store habang nakasakay sa isang multicab na barangay patrol vehicle.

Kaagad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara ito ng mga manggagamot na dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari at sa mga maaring motibo ng pagpatay. (Eagle News Correspondents Wilmie Villena and Bert Prowel)