Kalat ng mga dumalo sa Traslacion ng mga Katoliko, nagkalat sa lansangan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kabi-kabilang basura ang iniwang bakas ng mga sumama sa prusisyon ng itim na Nazareno ng mga kababayan nating Katoliko na ginanap sa lungsod ng Maynila kahapon, Enero 9.

Samu’t-sari ang mga ito tulad ng mga bote ng alak, mga styro na karamihan ay may laman pang pagkain at mga plastic cup na binili hindi kalayuan sa isang convenience store.

Mayroon naman mga street sweeper na itinalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngunit maging sila ay nahirapan sa pagwawalis sa sobrang dami ng kalat; may nag-iikot din na truck ng basura.

Naging maayos naman ang sitwasyon hanggang sa matapos ang aktibidad dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatupad ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.