Kakandidatong barangay chairman sa Paracale, Camarines Norte patay sa pamamaril

PARACALE, Camarines Norte (Eagle News) – Patay sa pamamaril ang kakandidato sanang barangay chairman sa Paracale, Camarines Norte nitong Huwebers, ika-19 ng Abril.

Kinilala ang biktima na si Jezaril Mirandilla, 57, kasalukuyang barangay kagawad ng Barangay Togos.

Sa inisyal na imbestigasyon, kararating lang sa bahay ng biktima at nagpapahangin sa terrace dakong alas 8:00 ng gabi nang pagbabarilin ng dalawa katao.

Agad na namatay ang biktima dahil sa tama ng bala sa kaniyang ulo at katawan.

Wala pang pahayag ang mga otoridad kung ang nasabing pamamaril ay kauna-unahang election-related violence.

Tinutugis na ng mga otoridad ang mga suspek na patungo umano sa bulubundukin ng Barangay Batobalani. Orlando Encinares