Japan PM Abe, bumista sa bahay ni Pres. Duterte sa Davao City

(Eagle News) — Kasalukuyang nasa Davao City na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Sakay ng Japanese Air Force One, dumating si Abe at maybahay nito na si Mrs. Akie Abe sa Davao City International Airport bago mag-alas 10 kagabi.

Binisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City kung saan nag-tagal siya ng apat-na-pu’t limang (45) minuto.

Makikita sa Facebook post ni Secretary Christopher “Bong” Go na ipinakita ng Pangulo ang kanyang silid kay Prime Minister Abe na nagtagal ng sampung (10) minuto.

Biko, suman, kutsinta at monggo ang mga pagkaing inihain sa Prime Minister sa kanyang pagbisita.