Japan, nangangailangan ng mahigit 300,000 foreign workers

(Eagle News) — Mahigit tatlong daang libong manggagawa ang kailangan ngayon ng Japan para sa 14 na industriya.

Sa Abril, may ilulunsad na bagong employment track kung saan may pagkakataon ang manggagawa na madala ang pamilya at magkaroon ng “immigrant status.”

Nakipagpulong na ang mga opisyal ng Japan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para ilunsad ang bagong employment track na tatawaging “specified skilled worker visa.”

May dalawang kategorya sa ilalim ng bagong programa depende sa skills at trabaho ng manggagawa.

Una, maaaring mabigyan ang worker ng limang taong kontrata o di kaya ay mahigit limang taon na may pagkakataon pang madala ang pamilya at mag-apply para sa immigrant visa.

Panghikayat ito sa mga aplikante dahil bagama’t lumalago ang mga industriya sa Japan, maliit ang kanilang populasyon at mas marami ang mga matatanda.

Narito na ang labing- apat na kategorya na kailangan punan ng Japan:
1. Care workers
2. Food service industry
3. Construction
4. Agriculture
5. Manufacture of food and beverages
6. Accommodation industry
7. Building cleaning management
8. Machine parts and tooling
9. Industrial machinery
10. Fishery and aquaculture
11. Electric, electronics and information
12. Aviation industry
13. Automobile repair and maintenance
14. Shipbuilding and ship machinery