Japan, nag-alok ng tulong para sa mga biktima ng “Vinta” at sunog sa Davao

(Eagle News) – Nangako ng tulong ang gobyerno ng Japan para sa mga biktima ng bagyong Vinta at ng sunog sa Davao City.

Mismong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang nagsabi nito kasabay ng kanyang pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naging biktima ng bagyo at ng sunog sa NCCC mall noong Sabado, ika-23 ng Disyembre.

Kabilang aniya sa ipagkakaloob na tulong ng Japan ang emergency relief goods.

Ayon kay Prime Minister Abe, kaagapay ng Pilipinas ang Japan sa pagharap sa mga ganitong mahihirap na pagkakataon.

https://www.youtube.com/watch?v=Xq_A0bngfyY&feature=youtu.be