Isinagawang Worldwide Intensive Propagation sa Zambales South, matagumpay

Zambales South. Dakilang Pamamahayag Report Voice Over

Dinagsa ng  maraming panauhin ang isinagawa ng Iglesia ni Cristo na Worldwide Intensive Propagation o Dakilang Pamamahayag ng mga salita ng Diyos sa 29 na remote sites dito sa Olongapo City at Zambales.

Maagang nagsidatingan sa mga venue ang mga kababayan nating kaanib sa Iglesia ni Cristo kasama ang kanilang mga kaibigan at kakilala na inimbitahan para makinig sa nasabing Dakilang Pamamahayag na pinangasiwaan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo.

Isinagawa ang malaking aktibidad na ito sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan at nasaksihan via video link sa mga remote site sa buong mundo.

Samantala, ang mga maraming bilang ng dumalong panauhin dito sa Olongapo City ay bunga ng isinagawang pamamahagi ng polyeto ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo noong  May 14, 15 at 21.

Inaasahan naman ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na ang kanilang mga naging panauhin ngayon ay dadalo rin sa isasagawa naman nilang Medical at Dental Mission o Lingap Sa Mamamayan sa May 31, 2016 sa Subic Bay Exhibition and Convention Center, Subic Bay Freeport

Ang puspusang pakikipagkaisa ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa mga ganitong aktibidad ay katunayan ng kanilang iisa at solidong pananampalataya na nais nilang ibahagi sa lahat ng tao.

(Eagle News Jeff Tubiera , Bel Cabigayan)