Isinagawang paghahanda para sa Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Tondo, Manila

Ilang araw pa lamang bago ang isasagawang Lingap-Pamamahayag ay marami na ang nakipagkaisang mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa isinagawang paghahanda ng goody bags at iba pang ipapamahagi sa gagawing malaking socio-sibikong aktibidad sa Tondo, Maynila.

Hindi matatawaran ang kasipagan ng mga kapatid, bagama’t pagod na sa isinagawang paghahanda ay bakas pa rin sa kanilang mga ngiti ang saya, pagkagalak at tuwa.

Ang nasabing Lingap-Pamamahayag ay may layuning matulungan ang ating mga kababayan lalo na sa kanilang suliraning pangkalusugan.

(Photos and Details courtesy of Brother Arvin Joel D. Zamora, from the district of Metro Manila West, Written by MRFB)