Isang contractor sa Nabunturan, Compostela Valley, patay sa pamamaril

NABUNTURAN, Compostela Valley (Eagle News) – Isang contractor sa Nabunturan, Compostela Valley ang patay sa pamamaril nitong Huwebes, October 19.

Kinilala ang biktima na si Larry Villareal, 48.

Nagtamo ito ng  isang tama ng bala sa kaniyang kaliwang sentido nang pagbabarilin habang sakay siya ng kanyang motor bandang 7:00 ng umaga.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng biktima, mayroon nang napansin ang kanilang mga kapitbahay kahapon, Oktubre 18, na dalawang kahina-hinalang mga lalaki na namataang umaaligid sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin ang Nabunturan MPS sa sinumang maaaring nakasaksi at makapagbibigay ng detalye sa naganap na krimen para sa ikalulutas nito.

Chris Cruz – Eagle news Correspondent