Isang commercial-residential area sa Pasig City, nasunog


(Eagle News) — Nasunog ang isang commercial-residential area sa Pasig City pasado alas-nuebe kaninang umaga.

Ayon kay Barangay Captain Bien Daryl Legazpi ng Kapasigan sa Pasig City, iniakyat sa ikaapat na alarma ang sunog sa Blumentritt Street.

Ayon kay Legazpi, mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Tinatayang walumpu hanggang isandaang pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Matapos ang halos dalawang oras na sunog, idineklara namang fire-out na ng Bureau of Fire Protection-Pasig ang naturang insidente.