Isang carnapped vehicle ng Grab, natagpuan sa San Pedro, Laguna

 

SAN PEDRO City, Laguna (Eagle News) — Isang vehicle ng Grab na naireport na kinarnap ang natagpuan sa San Pedro City, Laguna.

Ayon sa mga residente na nakatira sa Barangay United Bayanihan  kung saan iniwan ang naturang sasakyan, dalawang araw nang nakahinto sa pampublikong daanan ang sasakyan at nakakaabala na sa mga tao at behikulo na dumaraan doon.

Ipinasya ng mga taga-roon na ito ay kanilang ipagbigay-alam na sa mga kinauukulan ng kanilang barangay.

Ayon kay PO2 Mark Torres, napag-alamang ang sasakyan na may plakang ABG – 289 ay ang mismong cinarnap kahapon, Huwebes, Sep. 7, pasado alas 4:00 ng madaling araw, habang ito ay papunta sa nasabing lungsod mula sa Maynila.

Ang naturang sasakyan ay hinihinalang lumusot sa Southwoods exit sa Biñan City, Laguna, sakay ng isang lalake at isang babae base sa impormasyon ng pulis.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng San Pedro Police sa insidente.

Natagpuan  sa abandonadong sasakyan ang isang kutsilyo na  maaari umanong ginamit ng mga suspek sa robbery-carnapping.

(Bayani Yesma and Antonio Lagunoy Jr. – Eagle News Correspondent)