INCinema 2016 Regional Launching

Nagsagawa ng INCinema 2016 Regional Launching ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na kabilang sa mga grupo ng mga gumagawa ng mga short film entries para sa taunang EVM Awards sa loob ng Iglesia.

Kabilang sa mga dumalo ay mula sa mga distrito ng Isabela South, Isabela East, Isabela West, Quirino at Vizcaya. Tinalakay sa maikling orientation ang mga makabagong pamamaraan kung papaano lalong mapaganda ang paggawa ng mga pelikula na nakafocus sa Christian values, lalo sa taong ito na may temang “Solidong Pananampalataya.”

Nasa listahan din ng mga dumalo ay ang mga naging cast ng mga nakaraang film festival, producers, directors at scriptwriters ng bawat distrito.

(Agila Probinsya Corrapondent Lanie-Rasos Romero)