Lingap-Pamamahayag sa Philippine Arena naging matagumpay

 

Eagle News — Kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan, naging matagumpay ang isinagawang Lingap-Pamamahayag ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena, kahapon, Hunyo 12.

Hindi inalintana ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ang mainit at pabago-bagong panahon upang maayos na maisagawa ang Lingap-Pamamahayag. Maaga pa ay abala ng ang ibang mga kaanib ng INC sa pagpunta sa Philippina Arena kasama ang kani-kanilang mga panauhin.

Nagkaroon din ng entertainment para sa mga panauhin na pinangunahan nina Chadleen Lac Doo , Zsa-Zsa Padilla at Jose
Manalo at iba pa.

Ang nasabing Lingap-Pamamahayag ay pinagunahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo mula sa mga Distrito ng Metro Manila North at Bulacan South. (Eagle News, Ian Alred Acla)