Ilang paglabag sa fare increase, naitala

(Eagle News) — Ilang jeepney drivers na ang naniningil ng sampung pisong pamasahe sa kabila ng kawalan ng fare matrix, na nakapaskil sa kanilang mga sasakyan.

Bagaman may mga pasaherong nag-reklamo, hindi na sila nakipag-argumento sa driver upang hindi na maabala ang kanilang biyahe.

Una nang ipinatupad simula noong Biyernes, Nobyembre 2 ang dagdag pisong pamasahe sa jeep o Php 10.00 mula sa dating Php 9.00. Habang Php 11.00 naman sa ordinary bus at P13 sa air-conditioned bus sa Metro Manila, Regions 3 at 4.

Gayunman, nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na epektibo lamang ang fare increase kung mayroong fare matrix.

Ayon sa LTFRB, pagmumultahin ng lima hanggang labinlimang libong piso at kakanselahin ang prangkisa ng mga driver, na naniningil ng bagong pamasahe subalit walang hawak na bagong fare matrix.

https://youtu.be/sYBNntL71cc