Ilang mga lugar sa lalawigan ng Rizal nakaranas ng pagbaha bunsod pa rin ng walang tigil na pag-ulan

https://youtu.be/qhm60–pMl8

(Eagle News) — Nakaranas ng pagbaha ang ilang bayan sa Rizal dahil sa malakas na pag-ulan.

Kabilang sa mga ito ang Rodriguez, Barangay Sto. Niño at Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Dahil dito, maraming motorista ang naperwisyo dahil ilang mga kalsada ang nalubog sa baha at mga basura na nagkalat sa kalsada.

Bukod dito, napasok pa ng tubig baha ang ilang mga kabahayan sa lugar kung saan inabot pa ng hanggang tuhod ang baha.

Isa pa rin sa patuloy na tumataas at mino-monitor ngayon ay ang tubig sa Pasig River, dahil ito ang bagsakan ng tubig mula sa bulubundukin ng Rizal patungong Marikina River. (Photos courtesy of Bernard Gamba)