Ilang lugar sa Central Luzon, walang pasok ngayong araw, Hulyo 13

The Southwest Monsoon or habagat affecting the western section of the country /Photo courtesy of www.pagasadost.gov.ph

(Eagle News) — Nagsuspinde na ng klase sa ilang lugar sa Central Luzon ngayong araw, Hulyo 13 dahil sa masamang panahon at pag-ulang nararanasan dulot ng southwest monsoon o habagat.

Narito ang listahan ng mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong araw:

  • Bataan – All Levels; Public at Private,
  • Olongapo City – All Levels, Public and Private;
  • at Marilao Central School mula Pre-School to Grade 6.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration, ngayong araw, kasama ang Bataan at Zamabales sa makaraanas ng malakas na buhos ng ulan dahil sa habagat.