Ilang lugar sa Caloocan City at Quezon City, mawawalan ng tubig


(Eagle News) – Muling magpapatupad ng water interruption ang Maynilad mamayang gabi hanggang  Miyerkules, Abril 18 sa ilang bahagi ng Caloocan City at Quezon City.

Apektado rito ang Brgy. 171 sa Caloccan City mula 11:00 ng gabi mamaya, Abril 16 hanggang 4:00 ng umaga bukas, Abril 17.

Itong Martes, Abriel 17, apektado naman ng water interruption ang bahagi ng Brgy. 175 sa Caloocan City simula 10:30 ng gabi hanggang 3:30 ng umaga ng Miyerkules, Abril 18.

Mawawalan din ng tubig ang bahagi ng Brgy. 176 at 184 sa Caloocan City, at Brgy. Greater Lagro sa Quezon City bukas mula 11:30 ng gabi hanggang 3:30 ng umaga ng Miyerkules.

Inabisuhan naman ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-imbak na sapat na suplay ng tubig.