Ilang kalsada sa Iba, Zambales lubog sa tubig baha

(Eagle News) — Lubog sa tubig baha ang ilang kalsada sa Iba, Zambales dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Isa na dito ay ang Barangay Dirita, Iba, Zambales kung saan halos hanggang tuhod na ang tubig-baha. Hirap ding makadaan ang mga sasakyan dahil sa baha.

Ang nararanasang patuloy na pag-ulan ay bunsod ng habagat o monsoon rains. (Photos and details by Michael Montoya)