Ilang kalsada sa BGC, isasara sa Setyembre 27 dahil sa earthquake drill

(Eagle News) — Ilang kalsada ang isasara sa Bonifacio Global City sa Taguig City ang isasara sa Huwebes, Setyember 27, 2018 mula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ito ay dahil sa isasagawang earthquake drill.

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Kabilang sa mga isasarang kalsada ay ang 5th Ave. (26th St. hanggang 32nd St. at 32nd St. hanggang 34th St.), 39th St. (Triangle Drive hanggang 11th Ave.), 10th ave. (25th St. hanggang McKinley Parkway) 2nd Ave. (32nd St. hanggang 31st St.) Southbound at 3rd ave. (31st St. hanggang 32nd Street)

https://youtu.be/8Z-mpZDr9GM