Ilang grupo at mga residente, nanawagan sa gobyerno na mas pahigpitin pa ang pagmomonitor sa Boracay

(Eagle News) — Dalawang buwan makaraan ang reopening ng isla ng boracay ay naglabasan na naman ang mga dating problema sa nasabing tourist destination.

Sa kanilang liham sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF), sinabi ng mga residente at business operators sa isla na dapat maging seryoso ang pamahalaan sa pagmo-monitor sa isla.

Hanggang ngayon anila ay patuloy ang pagsasamantala ng ilang grupo sa kabilang paghihigpit ng BIATF.

“It was a painful experience for us who live and work here, especially [since] many of us were compliant and fighting for Boracay’s environment prior to the government-mandated closure … We write you in [the] hope that all of the sacrifices made in the name of Boracay, that your work and effort during closure will not have been in vain,” nakasaad sa liham ng grupo.

Inihalimbawa nila ang mahal na singil ng public transport tulad ng mga tricycle na naniningil ng labis lalo’t mga turista ang kanilang mga pasahero.

Sinabi pa ng grupo sa kanilang sumbong na masyadong mahal ang byahe ng mga bangka papunta sa isla.
Nagkalat pa rin umano ang mga iligal na tindahan malapit sa beach front.

“Currently, there is no [defined and adequate] entrance controls [in] Boracay … [A]t times the carrying capacity [is] exceeded. Furthermore, many individuals book one night but stay longer, thus there is no system [to] actually control how long people are staying,” ayon pa sa grupo.

Isinumbong rin ng mga residente sa Boracay ang ginagawang pagtigil ng ilang malalaking cruise ship sa isla na umano’y nagdadala lamang ng basura sa naturang tourist spot.

“The cruise ships bring the island nothing but congestion and garbage,” pahayag ng grupo.

“If Boracay is going to be representative of environmental sustainability, we should follow suit and ban cruise ships from Boracay,” dagdag pahayag ng grupo.