Ika-10 Barangay Chapel sa Distrito ng Cagayan South pinasinayaan

DSC_0069

Tuguegarao City, Cagayan – Kasabay ng paggunita sa pagsapit ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanyang 102nd anibersaryo. Pinasinayaan naman ang isa pang barangay chapel sa distrito Eklesiastiko ng Cagayan South kahapon , ika-27 ng Hulyo.

Ito ay  ang  ika-sampung barangay chapel  na pinasinayaan sa bagong extension na pinangalanang Pinopoc Extension ng lokal ng Calantac.

Bukod nito ay may dalawa pang chapel ang tapos na ring gawin at hinihintay na lamang na mapagtibay ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang magiging pagtatalaga sa mga ito.

(Eagle News Correspondent Eman dela Cruz)