Iglesia Ni Cristo, sa pamamagitan ng FYM Foundation, agad na nagsagawa ng lingap sa lalawigan ng Abra

(Eagle News) – Matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong sa probinsya ng Abra ay agad nagpaabot ng lingap ang Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa pamamagitan ng FYM Foundation sa mga nasalanta ng bagyo.

Umabot sa limang libong goody bags ang naipamahagi sa Linasin, Bangued, Abra.

Pinangunahan ni kapatid na Henil Aswigue, Tagapangasiwa ng Distrito kasama ang mga ministro at manggagawa ang pamamahagi ng goody bags.

Kaanib o hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay nakatanggap ng goody bags.

Laking pasasalamat naman ng mga nakabahagi sa tinanggap nilang agarang paglingap mula sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo.

Photos and Details courtesy of Eagle News Service Roger Vargas