‘This is Kadiwa’ at ‘Binhi Day’ idinaos sa Lokal ng Cabidianan, Distrito ng Compostela Valley

INC-eagle-news-jodi-bustos
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Labis-labis ang kagalakang nadarama ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo mula sa Lokal ng Cabidianan, Distrito Eklesiastiko ng Compostela Valley dahil naging matagumpay ang tambalang aktibidad na ‘This is Kadiwa’ at ‘Binhi Day’ na kanilang isinagawa sa Jacy Inland Resort noong Marso 24, 2017.
Ikinasa ang aktibidad na ito sa pangunguna ng mga Ministro, Manggagawa sa INC, kasama ang mga maytungkulin sa lokal upang lalo pang mapasigla ang mga kabaataang nasa kapisanang Binhi at Kadiwa.
Samu’t-sari ang mga palaro na kanilang inihanda, kabilang na rito ang Pinoy Henyo, Minute to Win It, X-Factor at marami pang iba.
Nagpamalas rin ng talento ang mga kapatid sa Cabidianan sa pamamagitan ng mga inihanda nilang sing and dance presentations.
Mayroon ring ginawang photobooth kung saan walang humpay na nag-groupie at selfie ang mga kapatid habang hawak ang ilang mga props na tumutukoy sa kapisanang kanilang kinabibilangan.
Pagkatapos ng aktibidad at huling panalangin ay pinangunahan ni Kapatid na Truman Lumawig ang pamamahagi ng mga souvenir items sa lahat ng mga kapatid na nakipagkaisa.
At bago magwakas ang gabi ay nagsalu-salo sila sa pagkain ng hapunan na kanilang inilatag sa isang mahabang lamesa, habang ang iba naman ay masayang lumalangoy at nagtatampisaw sa swimming pool.
Jodi Bustos, Eagle News Service
(Photos courtesy of Bro. Truman P. Lumawig)