Paglulunsad ng programang “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo” matagumpay

(Eagle News) — Matagumpay at naging makasaysayan ang programang inilunsad na may temang “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo” sa Philippine Arena na ginanap noong Linggo, Oktubre 30.

Tampok sa aktibidad ang Grand Evangelical Mission at video presentation ng mga naging papel at kontribusyon ng Iglesia Ni Cristo sa sangkatauhan.

Ilang mga opisyal ng gobyerno at mga kababayang propesyunal naman ang nagpaunlak sa imbitasyon.