Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Dental Mission at Blood Donation sa Bataan at Palawan

Sa layuning makatulong sa kapwa, nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng dental mission at  blood donatiuon sa lalawigan ng Bataan at Palawan kung saan maraming mga kababayan natin ang natulungan ng mga nasabing aktibidad.

(Agila Probinsya Correspondent Judith Llamera, Eagle News Service Editing by MRFB)

Mga Miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Abucay, Bataan, nagsagawa ng Dental Mission

Nagsagawa ng isang dental mission ang Iglesia Ni Cristo sa Bonifacio Camacho School, Covered Court sa lalawigan ng Abucay, Bataan. Naging matagumpay at maayos ang naging kabuuan ng nasabing aktibidad sa tulong ng SCAN International-Bataan Chapter. (Agila Probinsya Josie Martinez)




Blood Donation sa Puero Princesa, Palawan

Samantala, nagsagawa naman ng blood donation ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng  Puerto Princesa City Coliseum lalawigan ng Palawan.
Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa mga mamamayan na nangangailang ng dugo kaanib man o hindi sa Iglesia Ni Cristo. Mahigit isangdaan blood bags ang nakolekta sa pangunguna ng mga ministro at manggagawa ng Iglesia Ni Cristo. (Agila Probinsya Correspondent Jupiter Almoroto)