Iglesia Ni Cristo muling nagpasinaya sa bago nitong Gusaling Sambahan sa lalawigan ng Masbate

MASBATE (Eagle News) — Kasabikan at kagalakan ang naramdaman ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na Dumalo sa pagpasinaya ng bagong gusaling sambahan sa lokal ng Calero, lalawigan ng Masbate (Distrito ng Masbate) noong Huwebes, Hunyo 30.

Isang mabiyayang pagsamba sa Panginoong Diyos ang damang-dama ng mga dumalo sa unang pagsamba sa nasabing gusaling sambahan na pinanunahan ni Masbate District Supervising Minister Bro. Rodolfo M. Erese. Para sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ito na anya ang isa sa mga biyayang naipagkaloob sa kanila sa taong ito dahil nagkaroon na sila ng maganda at maayos na dakong pagsasambahan.

Lubos ang papasalamat ang mga miyembro ng INC sa nasabing dako kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister dahil isa sila na napatayuan ng gusaling sambahan. Ipinapangako nila na mamahalin at iingatan ang kanilang bagong sambahan at patuloy na makikiisa sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo.

(Eagle News Ramon Albert – Masbate Correspondent)

IMG_0002

IMG_0009

IMG_0010

IMG_0016

IMG_0023

IMG_0027

IMG_0032

IMG_0033

 

IMG_0041

 

IMG_0065

 

 

 

IMG_0104