Iglesia Ni Cristo ginawaran ng pagkilala ng Munisipalidad ng Gen. Nakar, Quezon

GEN. NAKAR, Quezon (Eagle News) – Pinagkalooban ng Gawad Pagkilala ang Iglesia Ni Cristo ni Municipality Mayor Eliseo R. Ruzol ng Gen. Nakar, Quezon dahil sa pagmamalasakit nito sa kalinisan ng kapaligiran at kalikasan. Ang certificate ay tinanggap ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North.

Sunod-sunod na gawaing sibiko ang isinagawa ng INC sa mga bayan ng Real at Infanta. Sa Bayan naman ng Gen. Nakar ay muling nagkaisa ang mga kaanib ng INC sa isang aktibidad na “Linis Dalampasigan at Tree Planting” na pinangunahan ni Bro. Isaias Hipolito.

Tumulong din sa nasabing aktibidad ang mga sumusunod:

  • Philippine Army (1IB, 2ID) sa pangunguna ni Col. Christopher C. Tampus
  • Philippine National Police (PNP Gen. Nakar), MPS, pinangunahan ni PSI Suaverdez,
  • Child-fund Philippines at ReINa Federation of Parents Assns. Inc., pinangunahan ni Mrs. Lorenza Francisco
  • Barangay Officials,
  • Local Government Unit ng Gen. Nakar, pinamunuan ni Mayor Eliseo R. Ruzol.

Tumanggap din ng gawad ang mga pulis at sundalo sa nasabing okasyon. Naging masaya at mapayapa ang aktibidad at minsan pang napatunayan ang malaking nagagawa ng pagkakaisa sa ikauunlad at ikagaganda ng kumunidad.

Courtesy: Nice Gurango

850514200_137551_17210024719047813643

850514328_139215_540535042368657939

850515002_144807_5138764892323639319

850515074_145094_15462072681729609101

850515323_146476_17185716288723431479

850515512_145911_6194557032404715796

850515550_143469_13205964731412881943

850515682_144862_11696767950533584616

850515892_144831_17445789340682236045

850519288_138399_5561599784582741434

850519920_138010_1883796597139411836

851439391_30055_17890370319775175806

851440114_30369_1615339340992698643

851440560_29673_11730186425945946769

851440882_30701_4002064883378296312