Iglesia Ni Cristo ginawaran ng 1IB Bota ng Kawal Award

INFANTA, Quezon (Eagle News) – Ginawaran ng 1IB Bota ng Kawal Award ng 1st Infantry (Always First) Battalion, 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division ng Philippine Army ang Iglesia Ni Cristo sa hilagang bahagi ng Quezon Province. Ibinigay ang nasabing gawad sa ginananap na 69th Founding Anniversary ng 1IB ng Philippine Army sa Brgy. Tongohin, Infanta, Quezon.
Tinanggap naman ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Minister ng Quezon North ang nasabing gawad mula kay MGen. Rhoderick M Parayno, Commander, 2ID ng Phililippines Army. Ang gawad ay bilang pagkilala sa tulong at pakikipagtulungan ng Iglesia Ni Cristo sa mga gawaing pangsibiko at gawang pagmamalasakit sa kalikasan maging sa ating mga kasundaluhan.

Ayon kay MGen. Rhoderick Parayno, ang Bota ay sumisimbolo sa magkapares na paggawa ng sundalo at ng mga sibilyan at grupo o organisasyon na nakakatuwang nila sa iisang layunin ang para sa kapakanan ng nakararami. Nagpasalamat din siya sa INC dahil sa walang sawang pagmamalasakit nito sa kapuwa at sa kalikasan.

Nice Gurango – EBC Correspondent, Infanta, Quezon