“Himig ng Kaligtasan” isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Cuneta Astrodome

PASAY, Metro Manila (Eagle News) — Ipinagdiwang ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na sakop ng Metro Manila South ang kanilang ika-anim na anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang distrito. Ito ay isinagawa nila sa Cuneta Astrodome noong Linggo, October 16 sa ganap na ika-lima ng hapon.
Bilang bahagi ng kanilang anibersaryo ay nagsagawa sila ng choral competition na tinawag nilang “Himig ng Kaligtasan”.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t ibang lugar tulad ng:
  • Pasay
  • Parañaque
  • Taguig
  • Pateros
  • Makati
  • Muntinlupa
  • Las Piñas
Full Force naman ang mga SCAN International sa pagsasaayos ng seguridad sa loob at labas ng Cuneta Astrodome. Ang mga medic naman ay nag-antabay din sa iba’t-ibang parte ng gusaling pinagdausan ng aktibidad.
Gilbis Lumauag – EBC Correspondent, Metro Manila

unnamed-1

unnamed-2

unnamed-3

unnamed-4

unnamed-5

unnamed-6

unnamed-7

unnamed-8

unnamed-9

unnamed