Hanggang tuhod na baha nararanasan sa Marilao, Bulacan

(Eagle News) — Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan, hanggang hita o baywang na ang taas ng tubig sa mga barangay Ibayo, Lias, Nagbalon, Poblacion 1 at 2, Tabing ilog at lalo na sa McArthur Highway.

Ang naglalakas loob na dumaang mga sasakyan ay ang malalaki at matataas na sasakyan na lamang.

Ang pag-apaw naman ng tubig sa ilog ng Marilao ay isa sa dahilan kung bakit halos hanggang baywang na ang tubig sa mga nabanggit na barangay. Ian Tolentino

Mga kuha ni Edmon Castro