“Green sea turtle” napadpad sa baybayin ng Cabuago, Ilocos Sur

14055004_1086249371462776_8801676217286734492_n 14113941_341133122896333_688132648_o

 

 

CABUGAO, Ilocos Sur (Eagle News)– Isang green sea turtle ang napadpad sa dalampasigan ng Barangay Namruangan ng Cabugao, Ilocos Sur.

Nang makita ito ng mga residente ay agad nila itong ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng Barangay at Munisipyo.

Agad namang pinakawalan ang green sea turtle sa tulong ng mga mangingisda sa nasabing barangay sapagkat kabilang ito sa mga endangered species.

Samantala, patuloy ang pagpapaalaala ng mga otoridad na kung may makitang ganitong uri ng mga endangered species ay ipagbigay alam agad sa kanilang kaalaman sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang panghuhuli at pagbebenta sa mga ito dahil  may kaukulang parusa kapag ito ay nilabag ng sinuman.

 

(Eagle News Correspondent, Ilocos Sur Myrnalyn Manuel)