Gasolinahan sa Makati isinara matapos ang gas leak

(Eagle News) — Isang gas leak sa isang gasolinahan ang bumulabog sa mga residente ng Evangelista Brgy. Bangkal sa Makati City.

Pag-aari ito ng Phoenix Petroleum Philippines Inc., na isang independent oil company.

Agad na nakaresponde ang kinauukulan upang makita ang sitwasyon matapos na magreklamo ang nga residente dahil sa masangsang na amoy.

Matapos na matanggap ang ulat kaagad ding ininspeksyon ng Department of Environment and Natural Resources at EMB ang gasolinahan upang tignan kung gaano na kalaki ang ang gas leak sa lugar.

Dahil sa lea,k kinordonan ang halos 100 metro ng mga otoridad mula sa gasolinahan upang maiwasan ang pinangangambahang maaaring maging pagsabog at inabisuhan din ang malapit sa lugar na iwasan ang paninigarilyo.

Sakali na mapatunayan na may nilabag ang gasoline company maaaring maharap sa reklamo ito dahil sa nangyaring environmental danger.

Patuloy namang nakikipagpagtulungan ang pamunuan ng Phoenix Petroleum sa mga otoridad habang mananatili namang sarado ang gasolinahan.

Nagpapatuloy naman ang paghahanap sa pinanggalinggan ng tagas. (Eagle News Service Earlo Bringas)