Game 6 ng PBA Governor’s Cup finals, ginanap sa Philippine Arena

(Eagle News) — Ginanap sa Philippine Arena ang Game 6 ng PBA Governor’s  Cup finals kung saan naglaban ang Barangay Ginebra at Meralco Bolts.

Ngunit bago ang laban ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts, nagkaroon ng programa ang mga sundalong galing ng Marawi. Dito ay binigyan muna ng pagkilala at pagpupugay ang mga sundalo sa kanilang naging serbisyo sa bayan at pagtatanggol sa mamamayan.