Funeral expenses ng 19 na namatay sa aksidente sa Occidental Mindoro, sasagutin ng Dimple Star Transport

MANILA, Philippines (Eagle News) — Babayaran ng Dimple Star Transport ang funeral expenses ng labing siyam (19) na pasaherong namatay matapos maaksidente ang isa nitong bus sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Inabisuhan na ng bus company ang funeral home kung saan dinala ang labi ng mga biktima na sila ang sasagot sa gastos sa mga biktima.

Tatanggap din ang mga pamilya ng mga biktima ng burial assistance mula sa lokal na pamahalaan.

Inaayos na rin ang dayalogo sa pagitan ng mga nagluluksang pamilya at ng Dimple Star Transport.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya at ng chief mechanic ng munisipalidad ng Sablayan, lumitaw na hindi maganda ang kondisyon ng bus nang mahulog ito mula sa Patrick Bridge.

May problema rin umano sa brake ang bus at kinakalawang na ang body at flooring nito.