Fun Cycle Activity, isinagawa sa Balungao, Pangasinan

d73328b2-ee92-4301-b2cb-ef9ea4f2df60

BALUNGAO, Pangasinan (Eagle News) – Masayang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang “Fun Cycle Activity” sa Balungao, Pangasinan. Pinangunahan ito ni Bro. Nelson H. Mañebog, District Minister ng Pangasinan East.

Maaga pa lamang ay nagtipon na ang mga kalahok sa gusaling sambahan ng INC sa Balungao na siyang starting point ng nasabing aktibidad. Sakay ng kani-kaniyang mountain bike, masayang tinungo nila ang Balungao Hot and Cold Spring Resort. Tinatayang may limang kilometrong layo mula sa kanilang starting point. Bagamat paakyat-baba ang kanilang ruta ay hindi nila alintana ang hirap at pagod sapagkat napapawi naman ito sa ganda ng tanawin tulad ng Mount Balungao.

Nilalayon ng aktibidad na mapanatiling malusog at masigla ang pangangatawan ng mga mga kalahok. Inaasahang masusundan pa ang pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Raff Marquez at Peterson Manzano – EBC Correspondents, Balungao, Pangasinan,