Floral Floats na gagamitin ng Miss Universe sa Baguio, handa na

BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Handa na ang floral floats na gagamitin para sa mini Panagbenga Parade bukas, Enero 18 ng mga kandidata ng Miss Universe. Ang mini Panagbenga parade ay magsisimula sa DILG patungong Baguio Country Club. Nasa 28 kandidata ng Miss Universe kasama si Miss Universe 2015 ang kasali sa nasabing parade.

Isasara ang mga kalsada na dadaanan ng Miss Universe sa nasabing aktibidad. Wala ring pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa lungsod.

Emeldinand Motas – EBC Correspondent, Baguio