Fire drill at seminar isinagawa ng mga kawani at volunteers sa T.Sora, Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng fire drill at seminar ang barangay officials ng Tandang Sora, Quezon City noong Huwebes, February 23. Ito ay bilang paghahanda sa Fire Prevention Month ngayong Marso. Pinangunahan ni Sr. Inspector Ronnie Benedicto ng Quezon City Fire District, Station 6 ang nasabing seminar. Itinuro sa mga barangay volunteer ang mga dapat gawin at mga gampanin kapag nagkaroon ng sunog.

Pagkatapos ng seminar ay nagkaroon ng fire drill at simulation sa bakanteng lote ng barangay. Pinangunahan naman ni SF04 Marlo Aquino ang naturang aktibidad. Sa pagkakataong iyon at tinuruan ang mga kalahok kung paano ang pag-apula ng apoy at wastong paggamit ng fire extinguisher.

Ian Jasper at Leander Bellen – EBC Correspondent, Tandang Sora, Quezon City