FIBA World 3×3 officials, nag-inspeksyon sa Philippine Arena

By Ben Bernaldez
Eagle News Sports

 

(Eagle News) — Binisita kamakailan ng FIBA 3X3 officials ang Philippine Arena, na siyang pagdarausan ng 2018 FIBA 3X3 World Cup dito sa Manila.

Eksklusibong tinutukan ng ENSports ang isinagawang inspeksyon sa pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Nagkaroon muna ng briefing ang  pamunuan ng  Arena sa pangunguna ni Atty. Bong Teodoro at nina Samahan ng Basketbol ng Pilipinas  executive director Renauld “Sonny”Barrios at Ignacio Soriano, FIBA senior event manager, para pag-usapan ang magiging layout, floor plan, at security details ng nasabing malaking event.

Masusing binusisi at ininspekson ng FIBA officials ang bawat pasilidad ng Philippine Arena, mula sa press room, interview room, team changing room, players locker room, ang mga VIP lounge at ang magiging location ng mga manonood at media.