Mahigit 3,000 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Parola, Tondo

Sunog sa Parola, Tondo (Eagle News Service)
Sunog sa Parola, Tondo (Eagle News Service)

 

By Paulo Macahilas
Eagle News Service

(Eagle News) — Isanglibong kabahayan ang tinupok ng apoy sa Gate 10 Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog dakong 9:38 ng Martes ng gabi (Pebrero 7) na unang inakyat sa ikalimang alarma

Dakong alas dose ng hatinggabi ay itinaas na ito sa Task Force Delta. Ibig sabihin, kailangan na ang tulong ng lahat ng mga firetruck sa buong kamaynilaan at kalapit Lungsod nito

Aabot sa higit 3,000 pamilya ang naapektuhang ng nangyaring sunog na nagsimula sa ground floor na bahay ni Nanay Andang

Ang mga nasunugan ang nagpalipas ng magdamag sa kalye habang binabantayan ang kanilang mga naisalbang gamit

 




 

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), isa sa dahilan kung bakit nahirapan apulahin ang apoy dahil gawa sa kahoy ang mga kabahayan

Mula sa harapang bahagi ng Parola Compound ay kumalat ito sa gilid at likurang bahagi

Tumaas pa ang tensyon sa pagitan ng mga pamatay sunog at residente sapagkat napakatagal umalis ng bumbero sa Parola upang kumuha ng tubig

Ngunit ayon sa mga bumbero, hindi agad sila makaalis upang kumuha ng tubig dahil napuno na ng mga tao ang kalsada na kanilang dadaaanan.

Aabot sa P6 na milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. Pitong katao naman ang naitalang nasugatan

Problema ngayon ng mga residente kung saan sila kukuha ng pera na maipampapatayo muli ng bahay kaya naman humihingi sila ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Maynila