Mahigit 100 magsasaka ng Hacienda Luisita tumanggap na ng Certificate of Land Ownership

(Eagle News) — Nakamit na ng may isang daan at labing isang magsasaka sa Hacienda Luisita ang kanilang minimithing sariling lupa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella , naiaward  na sa  mga magsasaka  ang  Certificate  of  Land  Ownership para sa may  6,600 square  meters  ng  lupain na  matatagpuan sa mga barangay ng Asturias, Bantog, Cut-Cut, Mabilog, Mapalacsiao, Motrico, Pando, at parang na bahagi ng  Hacienda Luisita.

Ang isang daan at labing isang magsasaka na ito ay bahagi lamang ng libu-libong magsasaka na nakatakdang makakuha ng bahagi sa lupain ng Hacienda Luisita.

https://youtu.be/AVR-yf08r44