Dating pangulo ng Colombia, may mensahe kay Pangulong Duterte sa paglaban ng PHL kontra droga

MANILA. Philippines (Eagle News) — Pagtugon sa problema sa droga at pag-aayos sa public health and safety policies ng pamahalaan ang solusyon sa pagsugpo sa iligal na droga.

Ito ang mensahe ni dating Colombian President Cesar Gaviria kay Pangulong Rodrigo Duterte na dating lumaban din umano sa pagsugpo sa problema sa droga sa kanyang bansa.

Sa kaniyang column sa New York Times, sinabi ng dating Pangulo na umaasa siyang hindi mangyayari kay Duterte ang pagkakamali na nagawa niya noon.