Family Fun Day isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Metro Manila South

PASAY CITY, Metro Manila (Eagle News) – Masiglang nakiisa ang pami-pamilyang miyembro ng  Iglesia Ni Cristo sa isinagawang Family Fun Day noong Sabado, April 1  Liwasang Ulalim, CCP Complex, Pasay City. Nakiisa at nagkaroon din ng partisipasyon maging ang mga dumalo na hindi INC members.

Bandang 4:00 ng madaling araw ay halos mapuno na ng participants ang lugar na pinagdausan kung saan ay makikita ang isang malaking lobo na siyang starting point.

Ang Family Fun Day ay kinapalooban ng fun cycling, fun run at palarong lahi naman ay kinapalooban ng patentero, hilahan ng lubid, basagan ng palayok, family relay, tumbang preso, at pagpapalipad ng mga saranggola sa lugar. Sinimulan ang programa bandang 5:00 ng umaga at natapos ng 12:00 ng tanghali.

Makikita ang kasiyahan sa lahat ng dumalo sa nasabing aktibidad na pinangunahan ni Bro. Israel U. Flores, District Minister ng Metro Manila South. Layunin ng aktibidad na mapagbuklod at mapatibay pa ang samahan ng bawat pamilya sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

Sa kabuuan ay naging maganda at maayos ang nasabing aktibidad. Ito ay dahil maayos na napangunahan ng mga miyembro ng Kapisanang SCAN International ang seguridad ng lugar.

Jaime España Malayo, Jr. – EBC Correspondent, Metro Manila