Facebook, hihigpitan ang political ad rules para sa eleksyon

(Eagle News) — Hihigpitan ng Facebook ang panuntunan nito para sa political ads sa mga bansang may nakatakdang eleksyon sa first half ng 2019.

Ayon sa Facebook, habang naghahanda sila para sa mga pangunahing eleksyon sa buong mundo ngayon taon ay patuloy silang nakatuon sa pagpigil ng foreign interference at ang pagbibigay ng mas marami pang impormasyon sa mga tao patungkol sa ads na nakikita sa kanilang platforms.

Sa mga political advertiser sa Amerika, Britanya at Brazil ay kinakailangan muna nilang magkumpirma ng pagkakakilanlan at lokasyon bago makapagpatakbo ng Facebook ads.

Sabi naman ng Facebook, para sa nalalapit na halalan sa Nigeria at Ukraine ay walang tatanggapin ang FB na anumang foreign electoral ads.

https://youtu.be/9cqt-Lwvi18