Epekto ng El Niño lalong lumala sa Cauayan, Isabela

 

CAUAYAN, Isabela (Eagle News) — Lalong lumala ang epekto ng El Niño sa lungsod ng Cauayan, Isabela dahil natutuyo na ang mga irigasyon na dati namang hindi natutuyuan ng tubig.

Malaki na ang ibinaba ng lebel ng tubig at hindi na makasapat para dumaloy sa mga palayan.

Malaking problema ang dulot nito sa mga magsasaka dahil ang inaasahan nilang irigasyon na sana ay magsu-supply ng tubig sa kanilang palayan ay hindi na mapakinabangan.