Endangered barn owl natagpuan ng mga bata sa Asuncion, Davao Del Norte


ASUNCION, Davao del Norte (Eagle News) – Isang endangered barn owl ang ibinigay ng tatlong bata sa Asuncion Municipal Police Station, Asuncion, Davao Del Norte noong Huwebes, Mayo 18.

Ayon kay Chief of Police Edmund Montillano ng Asuncion MPS, natagpuan umano ng tatlong bata ang nasabing owl na hinang-hina na at hindi na makakain. Hindi na rin ito makalipad dahil sa natamong sugat sa kanang pakpak nito.

Kaya ipinasya ng mga bata na i-turn over ito sa pulisya. Ikinatuwa naman ng mga pulis ang ginawa ng mga bata. Agad na iniutos ni Montillano kay SPO2 Stephen Campomanes na alagaan ang nasabing ibon. Dinala naman agad ito sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa Davao Del Norte.

(Eagle News Correspondents Saylan Wens at Haydee Jipolan)

Photos courtesy of Asuncion Municipal Police Station