Employers na hindi magre-remit ng SSS contributions, ipinaaaresto

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga employer na hindi magre-remit ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Ito ay matapos makatanggap ng update ang pangulo mula kay SSS Chairman Amado Valdez na 40 percent lang ng tatlumpu’t-tatlong milyong miyembro ang nagbabayad.

Nais ng Pangulo na ipatupad ang mga reporma sa SSS bilang bahagi ng kanyang pangako noong eleksyon.

Inanunsyo rin ng pangulo na wala na ring sobrang bonus para sa mga opisyal ng SSS, ‘di gaya ng sa mga nagdaang administrasyon.