Emergency Hotline 911

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ito’y matapos lumagda sa isang kasunduan ang ilang ahensya ng pamahalaan at telecommunication companies ukol sa pagpapalit ng emergency hotline.

Noong 2003 ay inilunsad ang hotline 117 sa ilalim ng Department of Interior and Local Government at suportado ng Foundation for Crime Prevention o FCP.

Kabilang sa FCP ang malalaking telecommunication companies sa bansa.

Ayon sa PLDT,  pinalitan ng numerong 911 ang 117 dahil sa matagumpay na 911 service number sa Davao City at nais itong palaganapin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.